Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Originally written in Spanish, the book is more commonly published and read in the Philippines in either Tagalog or English. Together with its sequel, El filibusterismo (Grade 10), the reading of Noli is obligatory for high school students (Grade 9) throughout the country. The two novels are widely considered the national epic of the Philippines and are adapted in many forms, such as operas, musicals, plays, and other forms of art


Crisostomo Ibarra - Isang binatang nag-aaral sa Europa nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa lugar ng San Diego.

Elias - Ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.


Panauhin ni Ibarra si Elias, hindi pa nagtatagal sa pag-aayos si Ibarra ng magsadya sa kanyang tahanan si Elias. Ikinamangha niya ang pagdating nito dahil sa pag-aakalang isa sa kanayang mga mangagawa ang kanayang panauhin.
Elias: Kayo ang nagligtas sa akin sa kapahamakan, halos hindi pa po ako nakakatanaw ng utang na loob sa inyo kung kaya't wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin. Nagtungo ako rito ngayon upang makiusap sa inyo tungkol sa isang mahalagang bagay.


Ibarra: Magusap kayo.

Elias: Ipinakikiusap kong ipaglihim ninyo sa mga may kapangyarihan ang ibinulong ko sa inyo sa simbahan kanina.

Palibhasa'y batid ni Ibarra na si Elias ay pinag-uusig, nangako siyang hindi niya ito isusuplong kaninuman.
Elias: Ang sinabi ko sa inyo ay hindi para sa aking kapakanan, sapagkat kayo ang inaalala ko at sinuman ay hindi ko kinakatakutan.

Ibarra: Ano ang ibig sabihin mo sa iyong ipinahayag?

Elias: Nais ko pong linawin sa inyo na upang kayo'y mailigtas, nararapat na isipin lagi ng iyong mga kalaban na kayo'y hindi handa at nagtitiwala sa lahat.

Ibarra: Ako po ba'y may kalaban?

Elias: Lahat po ng tao ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa taong may muwang mula sa pinakahamak hanggang sa pinaka mariwasa at makapangyarihan, ang pakikipaglaban ay siyang batas ng buhay.

Dahil sa paghanga ni Ibarra sa pagmamatuwid ni Elias, di niya napigilang sabihing ito'y hindi isang piloto ni tagabukid lamang, hindi pinansin ni Elias ang pahayag na ito ni Ibarra, sa halip ipinaliwanag niyang ang binata ay may mga kaaway sa lahat ng dako katulad din ng ama at ng mga ninuno nito na nagkaroon ng masidhing mga hangarin sa buhay, Idinagdag pa ni Elias na higit na kinamumuhian sa buhay na ito ang mga kagalang-galang na tao at hindi ang mga salarin.
Elias: Isa sa mga kalaban ninyo ay ang taong madilaw na kamamatay lamang, napagalaman kong may masamang balak siya laban sa inyo nang marinig kong sinabi niya sa isang taong di kilala ang ganito "Siya'y di kakanin ng mga isda na tulad ng kanyang ama, tingnan ninyo ang mangyayari bukas."

Elias: "Ikinabalisa ko ang sinabi niyang iyon sapagkat hindi pa nalalaunan nang kusa siyang lumapit sa maestros de obras upang hilingin dito na siya ang mamahala sa paglalagay ng unang bato at sa bagay na ito'y hindi naman siya humingi ng mataas na sweldo."


Ibarra: Ikinalungkot ko ang pagkamatay ng taong iyon, ang isinagot ni Ibarra, "Sana'y nakagawa ako ng kaukulang pagsisiyasat."


Elias: Kung siya po ay nabuhay, maaaring makaligtas siya sa walang awang kamay ng bulag na hukuman ng tao, ngunit sa nangyaring yaon, Diyos ang humatol sa kanya sapagkat Diyos ang tanging tagahatol, kalooban ng Diyos na siya'y masawi.
- Full access to our public library
- Save favorite books
- Interact with authors
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Originally written in Spanish, the book is more commonly published and read in the Philippines in either Tagalog or English. Together with its sequel, El filibusterismo (Grade 10), the reading of Noli is obligatory for high school students (Grade 9) throughout the country. The two novels are widely considered the national epic of the Philippines and are adapted in many forms, such as operas, musicals, plays, and other forms of art


Crisostomo Ibarra - Isang binatang nag-aaral sa Europa nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa lugar ng San Diego.

Elias - Ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.


Panauhin ni Ibarra si Elias, hindi pa nagtatagal sa pag-aayos si Ibarra ng magsadya sa kanyang tahanan si Elias. Ikinamangha niya ang pagdating nito dahil sa pag-aakalang isa sa kanayang mga mangagawa ang kanayang panauhin.
- < BEGINNING
- END >
-
DOWNLOAD
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
-
SAVE
-
BUY THIS BOOK
(from $4.79+) -
BUY THIS BOOK
(from $4.79+) - DOWNLOAD
- LIKE
- COMMENT ()
- SHARE
- SAVE
- Report
-
BUY
-
LIKE
-
COMMENT()
-
SHARE
- Excessive Violence
- Harassment
- Offensive Pictures
- Spelling & Grammar Errors
- Unfinished
- Other Problem
COMMENTS
Click 'X' to report any negative comments. Thanks!